20 LOOSE FIREARMS, ISINUKO SA MILITAR NG MGA RESIDENTE NG ALEOSAN, COTABATO
- Teddy Borja
- Nov 27, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Dalawampung iba't ibang uri ng mga matataas na kalibre ng armas ang boluntaryong isinuko ng mga residente ng Aleosan, Cotabato sa 34th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Ito ay sa pamamagitan ng Small Arms and Light Weapons o SAL-W Program ng pamahalaan.
Isinagawa ang pagsuko araw ng Martes, November 26.
Kabilang sa mga isinukong armas ay tatlong 7.62mm M14 Rifle, isang Cal. 30, isang 5.56mm Rifle, isang M203 Grenade Launcher, dalawang M79, isang RPG, isang Cal. 50 Sniper Rifle, isang 20-gauge Pistol, isang Cal. 38 Revolver, isang Cal. 45 Pistol, tatlong 12-gauge Shotgun, dalawang granada, at dalawang 40mm High Explosive.
Pormal na iprenesenta ni Lt. Col. Edgardo Batinay ang mga nasabing armas kay 602nd Brigade Commander Brigadier Gen. Donald Gumiran, at Deputy Brigade Commander Col. Neil Alfonso Roldan, kasama si Aleosan, Cotabato Mayor Edgardo Cabaya.
Ito ay resulta ng tuloy-tuloy na Information, Education and Communication Campaign na isinagawa ng Joint Task Force Central (JTFC) at ng 6th Infantry (Kampilan) Division (6ID) hinggil sa SALW Management Program.
Layunin ng programang ito na isulong ang mas ligtas na komunidad at maiwasan ang mga insidente ng karahasan dulot ng mga di-lisensyadong armas, lalo na’t papalapit na ang local at national election sa bansa.
Comments