21 armas, isinuko ng mga kandidato at Local Government Units mula sa 6 na bayan sa Maguindanao del Sur
- Teddy Borja
- Jan 29
- 1 min read
iMINDSPH

Isinuko ng anim (6) na Local Government Units at mga lokal na kandidato ang Labing-pitong high powered at apat na low powered firearms sa 601st Infantry Brigade kasabay ng isinagawang Political Candidates’ Forum kahapon sa Barangay Kabengi, Datu Saudi Ampatuan.

Sinabi ni 601st Brigade Commander, Col. Edgar L. Catu, ang pagsuko ng 21 na armas ay mula sa mga local leaders at lokal na kandidato ng Ampatuan, Datu Abdullah Sangki, Datu Saudi Ampatuan, Datu Unsay, Datu Hoffer at Shariff Aguak.

Kabilang sa mga armas na isinuko ay isang 30 M1 Garand Rifle at 5.56mm M4 Rifle mula sa Datu Unsay.

Isang 12-gauge shotgun, isang M203 Grenade Launcher, at tatlong 9mm Uzi Pistol ang mula sa Datu Abdullah Sangki.

Mula sa bayan ng Ampatuan ay dalawang 7.62 M14 Rifle at isang Cal.30 M1 Garand Rifle.

Mula sa bayan ng Shariff Aguak ay isang 81mm Mortar, isang 7.62 Ultimax Squad Automatic Weapon, isang Cal.30 Sniper Rifle, isang Cal.30 M1 Garand Rifle at dalawang M79 grenade launcher.
Sa Datu Saudi Ampatuan naman ay isang 7.62 Sniper Rifle, RPG at isang M79 Grenade Launcher
Habang sa Datu Hoffer ay isang Cal 30 M1 Garand Rifle, isang M16 Rifle at isang Barrett Sniper Rifle
Pinuri ni Brig. Gen. Donald Gumiran, ang JTF Central at 6ID Commander ang tropa mula sa 601Bde, 90IB, 92IB, 33IB, 6CMOBn, Maguindanao del Sur PPO at mga Election Officers mula sa COMELEC Maguindanao del Sur sa tagumpay ng nasabing aktibidad.
Comments