24 anyos na lalaki, arestado; Menor de edad, na-rescue sa ikinasang buy-bust operation ng PDEA BARMM sa Talipao, Sulu; Mahigit P300k halaga ng iligal na droga, nasamsam sa operasyon!
- Teddy Borja
- Feb 11
- 1 min read
iMINDSPH

Himas rehas ang 24-anyos na si alyas “Pans” matapos arestuhin ng PDEA BARMM sa ikinasang buy-bust operation sa Bilaan, Talipao, Sulu, a-10 ng Pebrero.

Isang menor de edad din ang na-rescue ng PDEA BARMM sa operasyon.

Nakumpiska at narekober sa operasyon ang isang sachet ng suspected shabu na tumitimbang ng mahigit kumulang 50 gramo at nagkakahalaga ng 340,000 pesos, isang cellphone, backpack at motorsiklo.
Haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang nahuling suspek.
Itinurn over naman sa MSWD ang minor.
Katuwang ng PDEA BARMM sa matagumpay na operasyon ang Sulu Police Provincial Office Provincial Intelligence Unit, National Intelligence Coordinating Agency, Talipao Municipal Police Station, Patikul Municipal Police Station, Regional Intelligence Unit IX, 1st Provincial Mobile Force Company, Criminal Investigation and Detection Group IX, at Philippine National Police 54th Special Action Company, 5th Special Action Battalion Special Action Force
Comments