24 anyos na lalaking lasing, arestado ng otoridad sa paglabag sa COMELEC Gun Ban matapos mahulihan ng baril sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte
- Teddy Borja
- Feb 11
- 1 min read
iMINDSPH

Kulong ang 29-anyos na lalaki dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 at sa ipinatutupad na COMELEC Gun ban.
Nahulihan ng baril ang suspek ala 1:30 ng hapon, a-8 ng Pebrero sa Makir, Datu Odin Sinsuat.
Ayon sa report ng Datu Odin Municipal Police-
Nagsasagawa ng routine patrol sa lugar ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team o BPAT nang makasalubong ang suspek na lasing.
Nang inspeksyunin ang dala nitong bag, dito na natuksalan ng otoridad ang baril ng walang serial number.
Agad anilang nakipag ugnayan sa kanilang tanggapan ang BPAT members at inaksyunan ng PNP ang insidente.
Dinala na sa Regional Forensic Unit BAR ang nakumpiskang baril para sa ballistic examination. Inihahanda na rin ng otoridad ang kaso laban sa supsek.
Comments