25-anyos na driver, huli sa COMELEC Checkpoint sa Capiton, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte dahil sa paglabag sa ipinatutupad na Gun Ban
- Teddy Borja
- Jan 22
- 1 min read
iMINDSPH

Huli ang isang 25 anyos na driver sa isang COMELEC Checkpoint sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte dahil sa paglabag sa Gun Ban.

Ininspeksyon sa COMELEC Checkpoint sa Capiton, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte ala 1:30 ng hapon araw ng Martes, ang minamanehong motor ng isang alyas “Majimbo” nang makita ang isang 38-revolver ng walang serial number kasama ang anim na bala nito at dalawang bala ng 12 gauge shotgun.

Agad inaresto si alyas “Majimbo” dahil sa paglabag sa pinaiiral na COMELEC gun ban.
Dadalhin ang nakumpiskang baril asa Regional Forensic Unit BAR (RFU BAR) para sa Ballistic Examination at proper custody.
Kasong paglabag sa RA 10591 na may kaugnayan sa COMELEC Resolution No. 11067 ang inihahanda ng otoridad laban sa suspek.
Comments