top of page

25-anyos na lalaki mula sa Digos City, arestado sa Kidapawan City, Cotabato sa kasong carnapping

  • Teddy Borja
  • 6 hours ago
  • 1 min read

IMINDSPH



Sa Kidapawan City, Cotabato-


Arestado ang isang 25-anyos na lalaki sa kasong carnapping.


Kinilala ang naaresto na si alyas "Mik", may asawa, self-employed, at residente ng Purok San Francisco, Barangay Tres de Mayo, Digos City.


Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa Paglabag sa RA 10883 o ang New Anti-Carnapping Act of 2016.


Inirekomenda ng korte ang piyansa na nagkakahalaga ng ₱300,000.00.


Nasa kustodiya na ngayon ng Kidapawan City Police ang suspek para sa tamang disposisyon, habang inihahanda ang pormal na pagsasampa sa korte.

 
 
 

Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page