top of page

25-anyos na lalaki na residente ng Tacurong City, Sultan Kudarat, natagpuan na wala ng buhay sa tabi ng daan sa Buluan, Maguindanao del Sur

  • Teddy Borja
  • Feb 3
  • 1 min read

iMINDSPH


PHOTO: KAD SIPAT


Kinilala ang biktima na si Jobert Bautista Dumanlag, residente ng Sitio Malipayon, Barangay San Emmanuel, Tacurong City, Sultan Kudarat.


Natagpuan ito na wala ng buhay sa daan sa Barangay Popol, Buluan, Maguindanao del Sur, ala 1:55 ng hapon, a-31 ng Enero ayon sa report ng Buluan Municipal Police.


May sugat sa mukha ang biktima na dinala pa sa Buluan District Hospital pero dineklara itong wala ng buhay ng attending physician.


Nagsagawa ng pursuit operation ang mga otoridad pero bigo na mahuli ang hindi pa kilalang suspek.


Hindi pa tukoy ng otoridad ang motibo sa krimen. Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa kaso.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page