25-anyos na lalaki sa Guipos, Zamboanga del Sur na nahaharap sa kasong murder, arestado ng otoridad!
- Teddy Borja
- Apr 10
- 1 min read
iMINDSPH

Inaresto ang suspek alas 3:00 ng hapon, araw ng Martes, April 8 sa Purok Kabulakan, Barangay Canunan, Guipos, Zamboanga del Sur.
Ito ay sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi ng otoridad na inisyu ng Regional Trial Court Branch 20, Pagadian City.
Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso.
Nasa kustodiya na ng Dumalinao Municipal Police ang suspek para sa documentation at proper disposition.
コメント