top of page

25 PDL sa Marawi City Jail, sumailalim sa Cookery NC II Training and Assessment

  • Diane Hora
  • 4 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Patuloy ang pagsusumikap ng pamunuan ng Marawi City Jail – Female Dormitory na maitaguyod ang mga programang pangkaunlaran para sa Persons Deprived of Liberty (PDL).



Isa sa mga aktibidad na kasalukuyang isinasagawa ay ang Training and Assessment for Cookery NC II, na nilahukan ng 25 babaeng PDL.



Ayon kay JO1 Saidah Cader, isa sa mga jail personnel na aktibong tumutok sa aktibidad, ang nasabing training ay naglalayong bigyan ng sapat na kaalaman ang mga kalahok sa larangan ng pagluluto upang makatulong sa kanilang paghahanda sa muling pagbabalik sa lipunan.


Ang programa ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at nakatuon sa mga pangunahing culinary skills gaya ng food preparation, kitchen safety, sanitation, at food presentation.


Sa pagtatapos ng training, ang mga PDL ay sasailalim sa assessment para sa pagkamit ng kanilang National Certificate II (NC II).


Ito ay isa lamang sa mga inisyatibong isinusulong ng BJMP- BARMM upang maipadama sa mga PDL na may pangalawang pagkakataon para sa mas maayos na kinabukasan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page