Sen. Kiko Pangilinan, dating BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim at iba pang opisyal at lider ng rehiyon, nagpulong
- Diane Hora
- 5 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Kabilang sa mga ibinahagi ng Senador sa diskusyon ang agri-credit at crop insurance, imprastruktura, suporta sa sustainable practices at climate resilience, mas malawak aniya na market access, at kapayapaan at kaunlarang nakaugat sa kabuhayan.
Sinabi ni Senator Kiko sa kanyang facebook post na pinapakain ng Mindanao ang buong bansa, at ang BARMM ayon sa Senador ang seafood stronghold nito, lalo na sa seaweed, tuna, at iba pang high-value marine products.
Kung umanong bumaba ang presyo ng pagkain at masigurong sapat ang suplay, sinabi ni Senator Kiko na kailangang suportahan aniya ang mga magsasaka at mangingisda ng buong Mindanao, lalo na sa BARMM.
Nagpapasalamat din ang mambabatas sa mga opisyal at lider ng BARMM at sinabing patuloy siyang makikipagtulungan sa mga pamahalaang lokal, kooperatiba, at civil society organizations para matiyak na ang mga batas at patakaran ay tumutugon sa mga hamon at nagpapaunlad ng potensyal ng buong rehiyon.
Binigyang diin nito na Food security is national security. At ang BARMM aniya at buong Mindanao ay mahalagang bahagi ng solusyong ito.
Commenti