iMINDSPH

Nagtapos noong biyernes, Marso 6, 2025, ang dalawampu’t limang NCII scholars sa tile setting training sa ilalim ng BSPTVET.

Ito ay ginanap sa Camp Bilal, Kura-kura, Brgy. Tamparan, Munai, Lanao del Norte.

Masayang tinanggap ng mga nagsipagtapos ang kani-kanilang Training Support Fund at training certificate.
Dumalo sa seremonya si Member of Parliament Abdullah ‘Bravo’ Macapaar.
Patuloy ang opisina ng TESD Provincial/City Manpower Development Center sa pagbibigay ng kalidad na skills training para sa mga Bangsamoro.
Comments