250 IDPs SA MALIDEGAO, SGA AT 25 RESIDENTE SA DATU SAUDI AMPATUAN, MAGUINDANAO DEL SUR, TUMANGGAP NG BIGAS AT FOOD PACKS MULA SA PROJECT TABANG
- Diane Hora
- Dec 20, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Dalawang daan at limampung sako ng tig-25 kilos ng bigas at food packs ang tinangap ng mga Internally Displaced Persons o IDP na naninirahan ngayon sa Madrasa Islamic School sa Barangay Nalapaan, Malidegao, Special Geographic Area.

Isinagawa ang distribusyon araw ng Miyerkules, December 18. Ito ay sa ilalim ng Alay sa Bangsamoro o ALAB Program ng Project TABANG.

Ang mga benepisyaryo ay mula sa Barangay Tubak na biktima ng gulo ng dalawang naglalabang grupo sa lugar.

Samantala,
Dalawampu’t limang sako naman ng tig-25 kilos na bigas din at food packs ang kaloob ng programa sa mga residente ng Kitango, Datu Saudi Ampatuan.

Ang Project TABANG ang isa sa mga flagship programs ng tanggapan ni Chief Minister Ahod Ebrhaim.




Kommentare