250 Police Recruits, Pormal nang Nanumpa Bilang Bagong Miyembro ng PNP PRO BAR at Sasailalim sa 6 na buwan na pagsasanay
- Diane Hora
- Jan 6
- 1 min read
iMINDSPH

Mula sa 2,285 PNP applicants, 1,857 ang pumasa sa PNP Agility Test.

Matapos ang ranking, 500 ang nagpatuloy sa iba pang pagsusuri at matapos ang evaluations, 381 ang pumasa sa neuro-psychiatric examinations.

Sa bilang na ito, 337 ang umabot sa clearing medical assessments, at 250 ang umabot sa approved quota requirements.

Sa 250 na bagong police recruits, 215 ang lalaki at 35 ang babae.
Matapos ang oathtaking, sasalalim ang mga ito sa anim na buwang pagsasanay sa BARMM Regional Training Center sa Camp BGen Salipada K Pendatun, Parang, Maguindanao del Norte.
Comments