top of page

26-anyos na magsasaka na Top 1 Most Wanted Person ng Matanog, Maguindanao del Norte at Top 3 Most Wanted sa probinsya, arestado ng awtoridad matapos isilbi ang warrant of arrest sa kasong murder

  • Teddy Borja
  • 3 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Tiklo ng awtoridad ang Top 1 Most Wanted Person ng Matanog, Maguindanao del Norte at Top 3 Most Wanted sa probinsya sa kasong murder.


Ang suspek ay isang 26-anyos na magsasaka at residente ng Bayanga Sur ng bayan.


Inaresto ito a-10 ng Hulyo 2025 sa nasabing barangay sa ikinasang

Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Acting Presiding Judge ng RTC Branch 13, 12th Judicial Region, Cotabato City.


Bago dinala sa Matanog MPS para sa dokumentasyon, ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatang konstitusyonal at ang nilalaman ng Anti-Torture Law sa wikang kanyang nauunawaan.

 
 
 

Comentários

Avaliado com 0 de 5 estrelas.
Ainda sem avaliações

Adicione uma avaliação

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page