27 years old na aircon technician, arestado ng otoridad sa buy-bust operation sa Rosary Heights 9, Cotabato City
- Teddy Borja
- Feb 17
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang aircon technician sa ikinasang buy-bust operation ng otoridad sa Barangay Rosary Heights 9, Cotabato City
Kulong si alyas “Kadjo” matapos mabilihan ng isang pulis na nagpanggap ng poseur buyer ng limang daang piso na halaga ng suspected shabu ala 5:00 ng hapon, araw ng Biyernes, February 14.
Ang buy-bust ay pinangunahan ng mga elemento ng Police Station 3 sa pamumuno ni PMaj Albert Carillo katuwang ang CPDEU CCPO, CIT-Cotabato at RIU 15 IG sa tulong ng Police Station 2 at PDEA-BARMM.
Sasailalim ito sa medical, physical examination at drug test at nakadetained sa Police Station 3 habang ang nakuhang ebidensiya ay isusumite sa RFU BAR para sa Qualitative at Quantitative Examination at proper custody.
コメント