28-anyos na magsasaka sa Tuayan, Datu Hoffer, Maguindanao del Sur, patay matapos barilin habang kumukuha ng kahoy para gawing uling; 25-anyos na magsasaka na kasama nito, nakaligtas sa pamamaril!
- Teddy Borja
- Feb 17
- 1 min read
iMINDSPH

Isang magsasaka ang nasawi matapos barilin ng umano’y mga miyembro ng local terrorist group sa Tuayan, Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao del Sur habang kumukuha ng kahoy para gawing uling. Nakaligtas naman ang isa pang magsasaka na kasama nito
Nasawi si Omar Zaman Angkal, 28 years old, magsasaka, residente sa nabanggit na lugar.
Habang nakaligtas naman si Saddam Abubakar, 25 years old, farmer, at residente din ng nasabing lugar.
Ayon sa otoridad, alas 8:00 ng umaga araw ng Linggo, February 16 habang kumukuha ng kahoy para gawing uling bigla umanong dumating ang mga armadong lalaki na umano ay miyembro ng local terrorist group.
Agad umanong pinaputukan ang mga biktima na nagresulta sa pagkamatay ni Angkal.
Blanko pa ang otoridad sa motibo sa krimen.
Comments