3.7 million halaga ng smuggled cigarettes, nasamsam ng awtoridad sa Picong, Lanao del Sur
- Teddy Borja
- Oct 24
- 1 min read
iMINDSPH

Nasamsam ng awtoridad sa Picong, Lanao del Sur ang 3.7 million pesos na halaga ng smuggled cigarettes.
Isinagawa ang crime prevention at law enforcement operation, araw ng Huwebes, October 23 sa Barangay Ilian.
Isinilid ang mga puslit na sigarilyo sa 96 kahon na ikinarga sa isang truck.
Ayon sa PNP PRO BAR, iniwan ang mga ito sa lugar ng hindi pa kilalang mga indibidwal.
Nasa kustodiya na ng Picong Municipal Police Station ang mga nasamsam na sigarilyo para sa documentation at proper turnover sa Bureau of Customs para sa wastong disposisyon.



Comments