iMINDSPH

Tatlong baril ang isinuko ng mga residente ng Poblacion 4, Cotabato City sa otoridad.

Kasabay ng pagsuko ay ang paglagda sa Pledge of Commitment.

Isinagawa araw ng Sabado, March 8, 2025 sa Poblacion 4 na pinangunahan ni Chairwoman Ragina Laguiab Ayunan.
Kabilang sa mga baril na itinurn over ang isang (1) Caliber .38 Revolver Pistol, isang (1) 9mm Assault Rifle KG-9 na may dalawang magazine assembly (30 Rds/20Rds Capacity), at isang (1) Pistol 9mm (UZI) na may isang magazine assembly (20 Rds Capacity).
Comments