top of page

3 indibidwal kabilang na ang isang babae, tiklo sa buy-bust operation sa Polomolok, South Cotabato; PHP 109,276.00 halaga ng suspected shabu, nasamsam sa operasyon

  • Teddy Borja
  • 1 day ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Timbog ang tatlong indibidwal kabilang na ang isang babae sa buy-bust operation na ikinasa ng awtoridad kung saan nasamsam ang mahigit PHP 109,276.00 na halaga ng suspected shabu.


Ikinasa ang operasyon ala 1:20 ng madaling araw, Martes, June 10.


Kinilala ang mga naaresto na si alyas “Zaldi”, 36 years old, residente ng Polomolok; alyas “Decs”, 28 years old, mula sa bayan ng Tupi; at alyas “Wendy”, 25 years old mula sa bayan ng Banga.


Nakuha sa mga suspek ang apat na sachets na naglalaman ng suspected shabu.


Agad dinala sa Polomolok Municipal Police Station ang mga naarestong indibidwal para sa dokumentasyon at legal proceedings.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page