top of page

Paano nakipaglaban at ano pa ang dapat ipaglaban, paaala ni BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua sa pagdiriwang ng ika-127 taon ng kasarinlan

  • Diane Hora
  • 1 day ago
  • 2 min read

iMINDSPH



Pinaalalahanan ni BARMM Chief Minister Abdulraof A. Macacua ang mga kapwa Bangsamoro na hindi lang aniya basta nila minana ang kalayaan—pinaglaban aniya nila ito.


Ito ang mensahe ng opisyal sa pagdiriwang ng ika-127 taon ng kasarinlan ng bansa.


Hanggang ngayon ayon kay Macacua ay may mga laban pa aniyang kailangang harapin para sa tunay na kapayapaan at kaunlaran ng rehiyon.


Aniya, ang kasaysayan ng Bangsamoro ay bahagi ng mas malawak na kuwento ng paglaya ng bansa. Kung paano aniya lumaban ang ating mga ninuno noong 1898 para sa kalayaan ng Pilipinas, ganoon din ang Bangsamoro na lumaban sa sarili nitong paraan—bitbit ang sakit ng nakaraan, lakas ng loob, at pag-asa sa kinabukasan.


Matapos ang ginanap na halalan noong Mayo 12—


Paalala ng Chief Minister, tapos na ang kampanya. Panahon na para magkaisa, magtulungan, at tuparin ang mga ipinangako sa mga tao.


Matatandaan na nilabas rin ni CM Macacua ang kanyang mga policy directives para sa lahat ng ministeryo sa BARMM, batay sa nauna nitong talumpati noong opening session ng 4th Regular Parliament. Kasama rito ang:


- Di dapat pagkaantala ng sahod at iba pang obligasyon;

- Pagbibigay ng dagdag na incentives para sa mga empleyado, kasabay ng pagpapatibay ng disiplina;

- Mas istriktong hiring batay sa qualifications;

- Mas masusing performance assessment;

- Pagpapabilis ng procurement process;

- At pagsasaayos at pagbibigay-dekalidad na serbisyo sa publiko.


Bukod sa mga direktiba, hinimok rin ni CM ang Bangsamoro Parliament na tutukan ang pagpasa ng mga priority legislation. Kabilang dito ang:


- Reapportionment ng pitong parliamentary seats mula Sulu (na hindi na ngayon bahagi ng BARMM);

- Mga batas para sa social justice tulad ng GAD Code, PWD Magna Carta, Bangsamoro Labor Code, at Regional Transitional Justice and Reconciliation mechanism;

- Mga batas pang-ekonomiya, gaya ng Bangsamoro Revenue Code, Budget System Law, Investment Code, creation ng Bangsamoro Energy Development Corporation of the Bangsamoro, at Lake Lanao Rehabilitation and Development Authority;

- Institutionalization ng Da’wah sa governance.


Muling iginiit ng Chief Minister na habang mahalagang alalahanin ang ating nakaraan, mas mahalaga rin na hindi mawala sa atin ang mga laban na kailangan pa nating tapusin—hindi na laban gamit ang armas, kundi laban para sa hustisya, kabuhayan, at mabuting pamamahala.

 
 
 

Комментарии

Оценка: 0 из 5 звезд.
Еще нет оценок

Добавить рейтинг

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page