Mga nanalong kandidato ng Datu Abdullah Sangki, Maguindanao del Sur, nanumpa na sa tungkulin
- Diane Hora
- 6 minutes ago
- 1 min read
iMINDSPH

Isinagawa ang panunumpa, araw ng Huwebes, June 12 na nataon sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

Ito ay pinangunahan ito ni re-elected Mayor Datu Suharto Al-wali Sangki-Mangudadatu kasama ang kanyang Vice Mayor at Sangguniang Bayan Members.

Ang oath-taking ay pinangasiwaan ni Judge Angelito Vencer Rasalan.

Ang panunumpa ng mga bagong elected officials ay sinaksihan ni Maguindanao del Sur Governor Bai Mariam-Sangki-Mangudadatu na binigyang diin ang mga pagbabago sa bayan na kanyang sinimulan at tangan hanggang sa probinsya ng Maguindanao del Sur.

Nagtapos ang nasabing programa sa menshae ng pagkakaisa at pagsusumikap upang mas lalong mapaunlad at mai-angat ang bayan ng Datu Abdullah Sangki .

Comments