top of page

Mangingisda arestado sa buy-bust operation sa Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte

  • Teddy Borja
  • 19 minutes ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Timbog naman ang isang mangingisda sa buy-bust operation sa barangay Pikalawag sa bayan ng Sultan Naga Dimaporo


Imbes na mangisda kulungan ang bagsak ng isang 46 anyos na lalaking na residente sa nasabing lugar.


Nadakip ang suspek matapos bumili ang isang operatiba, na umakto bilang poseur buyer ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaniniwalaang shabu.


Tumitimbang ito ng 1.0 gramo at may Standard Drug Price na PHP 6,800.00.


Sa isinagawang body search ng awtoriad, narekober sa suspek ang isa pang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, na tumitimbang ng humigit-kumulang 0.1 gramo na may tinatayang street value na PHP 680.00, gayundin ang two thousand pesos na ginamit bilang buy-bust money at iba’t ibang drug paraphernalia.


Nasa kustodiya ng Sultan Naga Dimaporo MPS ang suspek para sa dokumentasyon at karagdagang disposisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page