top of page

3 lalaki, timbog sa Cotabato City matapos mahuli sa akto na nagpa-pot session!

  • Teddy Borja
  • Feb 11
  • 1 min read

iMINDSPH


Kulong ang isang 37-anyos, 45-anyos at 35-anyos na lalaki matapos mahuli ng mga barangay officials sa akto na nagpa-pot session alas 11 ng umaga, araw ng Lunes, January 10 sa Purok Lumayon 2, Mother Barangay Poblacion, Cotabato City


Rumisponde sa lugar ang mga elemento ng Police Station 1 matapos matanggap ang report mula sa barangay official sa lugar na hawak nila ang mga suspek.


Nakuha ng otoridad sa posesyon ng mga ito ang isang sachet na pinaniniwalaang naglalaman ng suspected shabu na tumitimbang ng 0.8 gramo at may standard price na 544 pesos.


Nakuha rin ang isang improvised glass tooter at dalawang disposable lighter.


Dinala na sa Police Station 1 ang mga suspek.


Kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang kakaharapin ng mga ito.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page