top of page

30-anyos na babae, kalaboso matapos maaresto sa isinagawang buy-bust operation ng otoridad sa Rosary Heights 10, Cotabato City

  • Teddy Borja
  • Apr 21
  • 1 min read

iMINDSPH


Kulong ang isang 30-anyos na suspek na kinilala sa alyas na “Love”, isang freelancer.


Ikinasa ng otoridad ang operasyon alas 6:20 ng gabi, April 17.


Positibong nabilhan ang suspek ng isang pulis na nagpanggap na poseur buyer ng tatlong heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng pinaniniwalaang “shabu” na may timbang na 0.10 grams at may Standard Drug Price na Six Hundred Eighty Pesos.


Narekober din ng otoridad sa posesyon nito ang buy-bust money na nagkakahalaga ng 1,000 pesos.


Sasailalim sa mandatory booking, medical at drug testing ang suspek.


Isinumite naman sa RFU-BAR ang nakuhang ebidensiya para sa qualitative at quantitative examinations.


Nasa kustodiya na ng Police Station 1 ang suspek at haharap sa kasong paglabag sa RA 9165.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page