top of page

302 RESIDENTE NG PAHAMUDDIN, SGA, BENEPISYARYO SA ISINAGAWANG MEDICAL MISSION NG PROJECT TABANG AT MOH; 10 INDIBIDWAL TUMANGGAP NG TIG-ISANG WHEELCHAIR

  • Dec 18, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Namahagi ng libreng gamot ang PROJECT TABANG sa mga residente ng Pahamuddin, SGA bukod pa sa hatid na medical assistance katuwang ang MOH BARMM.



Isinagawa ang Medical Mission a-17 ng Disyembre kung saan 302 ang benepisyaryo ng programa at sampung indibidwal ang tumanggap ng wheelchair.



Ang hakbang ay sa ilalim ng Access to Health Opportunities, and Development o AHOD ng Health Ancillary Services ng Project TABANG na naglalayon na maihatid ang mga gamot at iba pang aims medical supplies sa mga health and non-health institutions, gayundin sa mga indibidwal sa loob at labas ng rehiyon.



Katuwang ng programa ang Ministry of Health, Integrated Provincial Health Office ng Maguindanao, at Regional Medical and Dental Unit ng Police Regional Office of the Bangsamoro Autonomous Region.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page