31-anyos na lalaki, arestado sa buy-bust operation ng otoridad sa Buldon, Maguindanao del Norte
- Diane Hora
- Apr 10
- 1 min read
iMINDSPH

Kulong ang isang alyas “Mon” sa isinagawang buy-bust operation ng otoridad sa Barangay Dinganen, Buldon, alas 12:27 ng madaling araw sa Sitio Upper, Barangay Dinganen.

Nasamsam sa operasyon ang 3.7 grams ng suspected shabu na nagkakahalaga ng PHP 24,480, drug paraphernalia, at marked money.

Nasa kustodiya na ng otoridad ang nahuling suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban dito.
Comments