MEDALYA NG KAGALINGAN
- Diane Hora
- 6 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Tinanggap ni Maguindanao del Norte Provincial Police Director, PCol. Eleuterio Ricardo Jr. ang Medalya ng Kagalingan. Kasama nitong nakatanggap ng parehong medalya si PLtCol Gieson Baniaga, ang hepe ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station sa kanilang exceptional leadership sa katatapos na halalan.

Iginawad ito ni PNP PRO BAR Regional Director Police Brigadier General Romeo Macapaz, araw ng Lunes, June 9 kasabay ng Traditional Monday Flag Raising Ceremony sa Camp General Salipada K. Pendatun, Parang, Maguindanao del Norte.

Ang nakamit na medalya ng dalawang opisyal ay kasunod ng mapayapang dispersal na ipinatupad ng mga ito sa United Bangsamoro Justice Party (UBJP) supporters noong May 12, 2025 election sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.

Ang naging aksyon ng dalawang opisyal ayon sa PNP PRO BAR ay naisagawa ng ligtas at maayos nang hindi gumamit ng pwersa.
Comments