Committee on Amendments, Revision, and Codification of Laws, binibilisan na ang pagrepaso ng 2 panukalang batas hinggil sa reallocation ng 7 parliamentary district seats na laan noon sa Sulu
- Diane Hora
- Jun 10
- 1 min read
iMINDSPH

Nagharap sa pulong ang Committee on Amendments, Revision, and Codification of Laws hinggil sa agarang pagrepaso sa panukalang batas kaugnay sa reallocation ng pitong parliamentary district seats na laan noon sa probinsiya ng Sulu.

Kasunod ng exclusion ng Sulu sa BARMM, kinakailangan ang district reapportionment.
Sinabi ni Committee on Amendments, Revision, and Codification of Laws Chair Sittie Fahanie Uy-Oyod na isinasailalim sa masusing review ng kanilang komite ang BTA Bill No. 347, na isang private member’s bill na iniakda ng siyam na mambabatas, gayundin ang BTA Bill No. 351 na iniakda naman ng Government of the Day.
Parehong tumutugon sa reconstitution ng mga districts ang dalawang panukalang batas.
Inaasahan naman ang pagsisimula ng deliberasyon sa susunod na linggo pagkatapos makatanggap ng komite ng position papers mula sa relevant stakeholders.
Upang matiyak na ang reapportionment process ay base sa accurate data, magsasagawa rin ang komite ng konsultasyon sa Commission on Elections at sa Philippine Statistics Authority.
Nakatakda namang magsumite ng report ang komite sa plenary para sa deliberasyon sa ikatlong linggo ng Hunyo.
Nilalayon ng komite na maayos ang mga kinakailangang pagbabago sa panukala at maisabatas bago ang October 2025.
Comments