Balangay Seal of Excellence, iginawad ng PDEA BARMM sa Local Government Unit ng Upi
- Diane Hora
- 8 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Opisyal na tinanggap ng LGU Upi ang Balangay Seal of Excellence mula sa Philippine Drug Enforcement Unit BARMM.

Ayon sa PDEA BARMM, ito ay dahil sa mahusay na implementasyon ng Barangay Drug Clearing Program sa bayan.
Ang bayan ng Upi ay dineklara na drug-cleared noong November 23, 2022.
Kasunod nito ayon sa PDEA ang LGU Upi ay aktibo na sa pagpapatupad ng mga programa na nagtitiyak sa rehabilitation at reintegration ng drug surrenderers, at pinalalakas pa ang advocacy campaigns sa komunidad.
Ang Upi, ang isa sa anim na bayan na ginawaran ng Balangay Seal of Excellence ngayong taon, kasama ang Paglat, Datu Abdullah Sangki, at Datu Hoffer sa province ng Maguindanao del Sur, Kapai at Calanogas naman sa probinsya ng Lanao del Sur.
Ang parangal ay tinanggap ni Mayor Ma. Rona Cristina Piang-Flores, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Barangay officials, at department heads.
Commentaires