DECOMMISSIONING NG MILF COMBATANTS
- Diane Hora
- 3 minutes ago
- 2 min read
iMINDSPH

Pinangunahan ni Independent Decommissioning Body o IDB Chairperson Suat Akgun ang courtesy visit kay Maguindanao del Norte Governor Datu Tucao Mastura ngayong araw sa tanggapan ng gobernador sa bayan ng Sultan Kudarat.

Kasama ni Akgun si William Hovland, Vice Chair ng IDB, Hj. Azlan Bin Haj. Ghani, International Expert, IDB, Tom Hjertholm, Chief of Staff, IDB, Lt. Col. Ridzamfaizal Hj. Salleh, Deputy Chief of Staff, IDB at Philippine counterpart sa pangunguna ni Retired General Rey Ardo.

Tinalakay sa pulong ang estado ng MILF Decommissioning process. Ayon sa IDB, wala pang pinal na petsa kung kelan ang huling bahagi o 4th phase ng decommissioning.
Pinag-usapan din pulong ang paghingi ng permiso ng IDB na payagan silang gamitin pa rin ang isang lugar sa old capitol sa Simuay, Sultan Kudarat kung saan isinasagawa ang actual na decommissioning process simula nang mag-umpisa ang proseso.
Ito’y matapos mapag alaman ng IDB na isinasailalim sa pagsasaayos ang mga gusali sa lugar kasunod ng desisyon ng gobernador na magiging kapitolyo ito ng Maguindanao del Norte.
Umaasa si Governor Mastura na maipagpatuloy na sa lalong madaling panahon ang decommissioning process na mahalagang parte aniya ng nilagdaang peace agreement sa pagitan ng gobyerno at MILF.
Nilalayon ng pagbuo ng IDB ang makapagbigay ng angkop na kapaligiran para sa Bangsamoro na magpapahintulot sa mga dating mandirigma ng MILF na makapagbagong-buhay at makapamuhay bilang produktibong sibilyan;
Itinatag ng Pamahalaan ng Pilipinas (GPH) at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang Independent Decommissioning Body (IDB) upang mangasiwa sa proseso ng decommissioning ng MILF forces at mga armas ng mga ito.
Isa ito sa mga pangunahing bahagi ng normalization structure alinsunod sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).
Comments