7 drug personalities, arestado sa Davao City sa 8 magkakahiwalay na operasyon na ikinasa ng awtoridad
- Teddy Borja
- 2 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Pitong drug personalities ang timbog sa walong magkakahiwalay na buy-bust operation na ikinasa ng awtoridad sa buong syudad. Mahigit 800 thousand pesos na halaga ng suspected shabu, nasamsam sa operasyon
Mula July 12 hanggang 13, 2025-
Sa Police Station 5-Buhangin, nakumpisk ng awtoridad ang Php 8,160.00 na halaga ng suspected shabu.
Sa Police Station 6-Bunawan Php 205,088.00 na halaga ng hinihinalang shabu naman ang nakumpiska sa operasyon.
Php 244,800.00 na halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng Police Station 9-Tugbok.
Habang sa Police Station 10-Calinan, nagkakahalaga ng Php 3,400.00 ng suspected shabu ang nasamsam.
Sa Police Station 15-Ecoland, Php 374,000.00 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska at
Police Station 20-Los Amigos Php 38,630.80 na halaga ng ipinagbabawal na gamot ang napasakamay.
Kommentare