top of page

NANUMPA NA IDADAAN SA PEACE DIALOGUE ANG HINDI PAGKAKAUNAWAAN

  • Diane Hora
  • 7 hours ago
  • 2 min read

iMINDSPH



Umaasa ang pamunuan ng 6th Infantry Division na matatapos na ang matagal nang iringan ng dalawang naglalabang grupo sa borders ng Datu Piang, Maguindanao del Sur, Nabalawag, Special Geographic Area (SGA), at Midsayap, Cotabato.



Ito’y matapos humarap sa Peace Mediation Conference sina SGA Mayor Datu Renz Tukuran at Commander Karis Bationg ng 105th Base Command ng MILF 6th Infantry Division, araw ng Martes, July 15, 2025.



Ayon sa 6th ID, matagal nang naglalaban ang dalawang grupo na nagresulta sa instability at paghihirap ng komunidad.



Sa Peace Mediation, parehong nanumpa sa Quran ang mga ito at lumagda sa kasunduan na nagsasad na


1. Pag-usapan ang anumang isyu at problema ng hindi pagkakaintindihan.

2. Huwag idaan sa pwersa o barilan ang anumang hindi pagkaintindihan.

3. Ang sinumang lulusob na may dala-dalang armas (reinforcement) sa hindi niya area o sakop upang manggulo ay ituturing na kalaban ng AFP, PNP at LGU.

4. Kapag hindi nagpa-awat ang parehong grupo ay maari silang patakan ng mortar, kanyon, at sasailalim sa operasyon (zoning) ng AFP at PNP.

5. Kapag masangkot ang parehong grupo (supporters, reinforcements) sa labanan at kaguluhan ay pareho na magsusuko ng hindi bababa sa sampung matataas na kalibre ng baril.


6. Kapag masangkot ang parehong grupo sa labanan at kaguluhan ay wala ng settlement na magaganap pang muli, pareho na itinuring na persona-non-grata sa Datu Piang, Maguindanao del Sur at Midsayap, North Cotabato, at Nabalawag,SGA-BARMM.


7. Kapag masangkot ang parehong grupo sa labanan at kaguluhan ay pareho na kakasuhan ng Datu Piang Municipal Police Station at Midsayap Municipal Police Station.


8. Hindi na uulitin ng grupo nina Cmdr Karis Bationg, Cmdr Cob Silongan, at Hon. Datu Renz Tukuran, ang pamamaril sa kasundaluhan. Kung ito ay kanilang uulitin siya ay ituturing na kalaban ng gobyerno at kakasuhan.


9. Itigil ang paghahamon ng away at pagbabangayan ng magkabilang grupo.


10. Kapag ang miyembro ng MILF-BIAF ay nasangkot sa gulo, ito ay didisarmahan at aalisin sa listahan ng MILF-BIAF.


11 Bawat leader ay sasang-ayon sa tinatawag na “peace agreement” para maprotektahan natin ang mga nasasakopan natin.


12. Lahat ng kasong isinampa sa dalawang (magkabilang) partido ay babawiin.


Ang Peace Mediation ay pinangunahan nina Brigadier General Ricky Bunayog, Commander ng 602nd Infantry Brigade at Brigadier General Edgar Catu, Commander ng 601st Infantry Brigade.


Dumalo rin sa pagkakasundo sina Butch Malang, ang Chairman of the MILF-Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities (CCCH) at Administrator ng Special Geographic Area.


Naroon din si Malik Caril, ang Deputy Executive Director ng Bangsamoro Communities Outside the Bangsamoro Autonomous Region (BCOBAR), Nor-Ali Alamada, PSRO Staff and Secretary ng Ad Hoc Joint Action Group (AHJAG); at Colonel Rey Rico, G7 ng 6th Infantry Division.


Pinuri naman ni Major General Donald Gumiran, ang Commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central ang isinagawang peace mediation.

 
 
 

Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page