top of page

25 years old na lalaki na kabilang sa listahan ng Top 10 Most Wanted ng Antipolo City, arestado sa Marantao, Lanao del Sur

  • Teddy Borja
  • 12 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Arestado ng mga tauhan ng PNP PRO BAR ang 25-anyos na lalaki na kabilang sa Top 10 Most Wanted list ng Antipolo City.


Ikinasa ang operasyon, araw ng Lunes, July 14 sa Barangay Madanding, Marantao, Lanao del Sur.


Kinilala ang suspek sa alyas na “Mahid”. Inaresto ito ng awtoridad ayon sa report dahil sa pagbebenta ng iligal na droga.


Nakumpiska sa operasyon ang 29 thousand 920 pesos na halaga ng suspected shabu.


Napag alaman din ng awtoridad na ang suspek ay mayroong standing warrant of arrest sa kasong murder at kabilang sa listahan ng Top 10 Most Wanted person ng Antipolo City.


Nakakulong na ang supsek sa Marantao Police Station.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page