Serbisyo ng lokal na pamahalaan ng Parang, Maguindanao del Norte para sa mamamayan nito, paghuhusayin pa sa susunod na 3 taon
- Diane Hora
- 13 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Pahuhusayin pa ang social services at palalakasin ang pakikilahok ng mga kabataan at iba pang sektor sa pamumuno ng lokal na pamahalaan. Ito ang direksyon na tatahakin sa huling termino ni re-elected Mayor Cahar Ibay sa bayan ng Parang, Maguindanao del Norte.
Nais ng alkalde na mas magiging makabuluhan pa ang pagseserbisyo nito sa taumbayan ng Parang sa susunod na tatlong taon.
Araw ng Lunes nang pormal na nanumpa sa tungkulin si Mayor Cahar Ibay kasama ang mga nanalong kandidato sa Iranun Municipalities sa isinagawang mass oath-taking sa Iranun Palace.
Comments