31-anyos na Pintor na residente ng General Santos City, arestado sa buy-bust operation sa Polomolok, South Cotabato
- Teddy Borja
- Jan 21
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog ang isang 31-anyos na pintor at isang babae na menor de edad sa ikinasang buy-bust operation.
Kinilala ang pintor sa alyas na “Dadi”, residente ng Purok Silway San Roque, Barangay Dadiangas West, General Santos City.
Kasama nitong inaresto ang isang menor de edad na babae a -19 ng Enero sa Purok Masigla, Barangay Silway 8.
Nakumpiska sa operasyon ang 50.40 gramo ng suspected shabu na may national standard price na Php342,720.
Agad dinala sa Polomolok Municipal Police Station si alyas “Dadi” habang itnurn over naman sa MSWDO-Polomok ang babaeng menor de edad.
Ang nakuhang mga ebidensiya ay isinumite na sa South Cotabato Provincial Forensic Unit para sa laboratory examination.
Ang matagumpay na operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng Regional Police Drug Enforcement Unit 12, Regional Intelligence Division 12, Polomolok Municipal Police Station, South Cotabato Police Provincial Office sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency 12.
Comments