34-anyos na negosyante sa Parang, Maguindanao del Norte, arestado dahil sa paglabag sa Anti-Rape Law at Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act
- Teddy Borja
- Feb 17
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang 34-anyos na negosyante sa Parang, Maguindanao del Norte dahil sa paglabag sa Anti-Rape Law of 1997 at Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.
Sa report ng Parang Municipal Police, inaresto ang negosyante alas 9:55 sa Townsite ng bayan matapos ilunsad ang pursuit operation sa pangunguna ni PMaj Blayn Lomas-e sa pakikipagtulungan ng 1401st Maneuver Force Company.
Agad dinala ang biktima sa Cotabato City Regional and Medical Center para sa medico-legal examination.
Inihahanda naman ng otoridad ang paghahain ng kaso laban sa suspek sa Provincial Prosecutor’s Office.
Nakakulong sa Parang Municipal Police ang naaresto para sa proper disposition.
Comments