35-anyos na security guard, patay matapos barilin ala 7:00 kagabi, April 20 sa Rosary Heights 12, Cotabato City
- Teddy Borja
- 44 minutes ago
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilala ang biktima na si Mehan Sarip Cali, residente ng Purok Nunangen, Malagapas Street, Rosary Heights 10, Cotabato City.

Binaril ito ala 6:55 kagabi sa TV Juliano Street, Rosary Heights 12, Cotabato City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima nang barilin ng hindi pa kilalang suspek.
Nakuha sa crime scene ang tatlong piraso ng fired cartridge cases na pinaniniwalaang mula sa caliber 9mm.
Blanko pa ang otoridad sa motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga salarin.
Comments