iMINDSPH

Kinilala ang suspek sa alyas na “Jeloy”, residente ng Barangay Pisan, Kabacan Cotabato.
Inaresto ito alas 2:00 ng hapon, araw ng Miyerkules, March 5 sa Rizal Street, Barangay Poblacion ng bayan.
Ang Warrants of Arrest sa kasong murder, illegal possession of firearms, at homicide na isinilbi ng otoridad ay inisyu ng RTC 12, Branch 16, Kabacan, Cotabato, noong October 21, 2019 at RTC 12, Branch 16, Kabacan, Cotabato, noong September 26, 2018.
Dinala na sa Kabacan Municipal Police Station para sa proper disposition at legal proceedings.
Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng Kabacan Municipal Police Station at Provincial Intelligence Unit ng Cotabato Provincial Police Office.
Comments