iMINDSPH

Kalaboso ang 37-anyos na principal ng isang paaralan sa Kalamansig, Sultan Kudarat sa isinagawang buy-bust operation ng otoridad, alas 8:00 ng gabi, araw ng Sabado, March 15.

Ayon sa PDEA 12, kabilang ang principal sa listahan ng kanilang high value target at matagal na nilang isinailalim sa surveillance ang suspek bago isinagawa ang operasyon.
Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng Kalamansig MPS katuwang ang 2nd Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company sa Purok River Side, Brgy. Pag-Asa, Kalamansig, Sultan Kudarat.
留言