37 barangay sa Cotabato City kasalukuyan na nasa Orange Category ayon kay Cotabato City Acting Election Officer, Atty. Dindo Maglasang
- Diane Hora
- Feb 10
- 1 min read
iMINDSPH

Nasa ilalim ng orange category ang tatlumpo’t pitong barangay sa Cotabato City.
Ito ang sinabi ng Election Officer ng lungsod, Atty. Dindo Maglasang sa panayam ng iMINDS Philippines.
Ibig sabihin may concurrence ng suspected election-related incident sa nakalipas na dalawang halalan. May intense partisan political rivalry at napasailalim na dati sa COMELEC Control.
Pero subject for validation at approval pa ito ng Provincial Joint Security, Regional Joint Security saka gagawa ng rekomendasyon sa Gun Ban and Security Concerns Committee ng COMELEC.
Comments