37 BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROGRAM FOR OFW REINTEGRATION NG DEPARTMENT OF MIGRANT WORKERS TUMANGGAP NG TIG-P10K BAWAT ISA
- Diane Hora
- Dec 9, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Pinalalakas pa ng Department of Migrant Workers Region 12 at Ministry of Labor and Employment ang mga hakbang at pagsusulong sa kapakanan ng Overseas Bangsamoro workers sa rehiyon.

Sa courtesy visit ng DMW sa MOLE araw ng Biyernes, a-6 ng Disyembre, nagharap sa pulong si DMW R-12 Regional Director Samsudin Lintongan at MOLE Minister Muslimin Sema kasama ang iba pang opisyal ng MOLE. Tinalaky sa pulong ang pagtutulungan ng dalawang tanggapan para suportahan ang mga mekanismo para sa returning Overseas Filipino Workers.

Bilang bahagi ng kolaborasyon, binigyan ng DMW Region 12 ng tig-sampung libong piso ang tatlumpo’t pitong benepisyaryo ng Livelihood Program for OFW Reintegration.

Comments