top of page

385 RESIDENTE NG AMPATUAN, MAGSUR, NAKATANGGAP NG LIBRENG GAMOT AT IBA PANG SERBISYONG MEDIKAL; 2 SENIOR CITIZENS, NABIGYAN NG WHEELCHAIR MULA SA HEALTH ANCILLARY SERVICES NG PROJECT TABANG

  • Diane Hora
  • Nov 26, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Tinanggap ng tatlong daan at walompo’t limang residente ng Barangay Kauran, Ampatuan, Maguindanao del Sur ang libreng gamot sa isinagawang Medical mission ng Health Ancillary Services ng Project TABANG.



Sumailalim din ang mga residente sa libreng consultations, examinations, laboratory testing services, surgeries, at tuli operations.



Dalawang wheelchairs naman ang ipinamahagi ng Project TABANG kina Mr. Rizaldo Jontillano, 78-anyos, at Ms. Antonia Allago, 87-anyos.



Ang medical mission ay naging posible sa pangunguna ng opisina ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) Member of Parliament Atty. Mary Ann Arnado, katuwang ang LGU - Ampatuan, RHU - Ampatuan, BLGU – Kauran, at ng Health Ancillary Services Head Sittie Majadiyah Omar.



Ito ay sa pamamagitan ng Project TABANG ng tanggapan ni Chief Minister Ahod Ebrahim.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page