top of page

39 KASO NG HIV, NAITALA NG COTABATO CITY HEALTH OFFICE NGAYONG TAON AT HINDI 100 TULAD NG KUMAKALAT SA SOCIAL MEDIA

  • Teddy Borja
  • Dec 27, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Nilinaw ng Officer-in-Charge ng Cotabato City Health Office na si Dr. Harris Ali na nagtala ang kanilang tanggapan ng 39 na kaso ng HIV ngayong taon.


Taliwas ito sa kumakalat sa social media na mayroong 100 kaso ng HIV sa syudad.


Sa mga nagnanais umanong magpakonsulta, ayon kay Dr. Ali, libre lamang ito.


Nanawagan naman ang doktor na bago magpalabas ng anumang impormasyon, tiyakin na ito ay verified upang hindi magdulot ng pagkabahala sa publiko.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page