top of page

4 INDIBIDWAL KABILANG NA ANG ISANG BABAE NA UMANO’Y DRUG DEN MAINTAINER, ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION SA DOS, MDN; P170K HALAGA NG ILIGAL NA DROGA, NASAMSAM SA OPERASYON!

  • Teddy Borja
  • Nov 29, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Tiklo ang 56-anyos na kinilala ng PDEA BARMM na si Baiwata sa ikinasang buy-bust operation sa Sitio Broce, Zone 4, Barangay Tamontaka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao Del Norte a-28 ng Nobyembre.



Sinabi ng PDEA BARMM na isa itong drug den maintainer. Huli din ang kasama nito na si alyas “Jack”, 35-anyos, alyas “Jeff”, at ang 20-anyos na si alyas “Jehad”.



Sinira rin ng PDEA BARMM ang drug den sa lugar.



Sa report ng PDEA BARMM, nasamsam sa operasyon ang apatnapu’t dalawang sachets ng methamphetamine hydrochloride o Shabu na tumitimbang ng 25 grams at nagkakahalaga ng ₱170,000.00.


Nakumpiska rin sa operason ang buy-bust money, dalawang mobile phone, at assorted drug paraphernalia.


Nakapiit na sa PDEA BARMM Jail Facility ang mga naaresto habang hinihintay ang inquest proceeding sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page