4 PATROL VEHICLES, ITINURN OVER NG LGU DOS SA DATU ODIN SINSUAT MUNICIPAL POLICE STATION
- Diane Hora
- Nov 28, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Nadagdagan pa ang patrol vehicles ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station.

Itinurn over ni Mayor Lester Sinsuat ang bagong patrol car sa PNP DOS at tatlong bagong motorsiklo, araw ng Martes, November 26.

Tinanggap ng hepe ng Datu Odin Sinsuat Police Station na si PLTCOL Samuel Roy Subsuban.

Ang pondo na inilaan para sa mga bagong patrol vehicles ay mula sa peace and order fund ng LGU.

November 2023 nang magkaroon ng bagong Police Car ang DOS MPS na mula sa National Headquarters ng PNP sa ilalim ng liderato noon ni dating Chief PNP PGEN Benjamin Acorda, Jr.

Buong tiwala naman ang alkalde na mas magiging mahusay at epektibo pa ang mga operasyon ng Pulisya sa bayan sa tulong ng dagdag na patrol vehicles.

Comments