top of page

4 resolusyon, pinagtibay ng Justice System Committee ng BTA Parliament na naglalayong mapahusay pa ang operasyon ng Shariah Courts at matugunan ang kinakaharap na hamon ng mga Ulamas sa bansa

iMINDSPH



Isa sa mga resolusyon na pinagtibay ng Justice System Committee ay ang panawagan sa Supreme Court na mag appoint ng deputy court administrator para mag oversee sa Shariah Courts, at tugunan ang mga usapin hinggil sa case management at judicial appointments.



Isa pang resolusyon na pinagtibay ay naghihikayat sa Office of the President, sa pamamagitan ng Supreme Court at ng Judicial Bar Council, na mag appoint ng Islamic Law jurisconsult na mandato sa ilalim ng Code of Muslim Personal Laws of the Philippines.



Sa isang resolusyon naman, ipinapanukala na ang Bangsamoro Darul-Ifta ay bumuo ng study para i-explore ang unification ng Ulama Organization at ang establishment ng isang National Council of Ulama para palakasin ang liderato at isulong ang Muslim welfare.


Ang panghuling resolusyon na pinagtibay ay ang maisama ang Shariah Courts sa mediation sa ilalim ng Rules on Family Mediation, na nagtitiyak na ang proseso ay naayon sa Islamic traditions.


Isasapinal ng Chairperson ng komite, MP Jose Lorena ang kanilang reports at ipipresenta ang mga ito sa unang linggo ng Abril sa pagbabalik sesyon.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page