iMINDSPH

Kinumpirma ni 6th ID Spsokeperson LtCol. Roden Orbon ang pagkakasugat ng 4 na sundalo matapos pasabugan ng granada ang kanilang detachment.
Naganap ang pagpapasabog ng granada alas-7:30 kagabi sa Barangay Madia.
Patuloy na inoobserabahan sa isang ospital ang 4 na sundalong sugatan sa insidente.
Kinondena at ikinalungkot ng 6TH ID ang pagpapasabog na anila ay nangyari sa panahon ng banal na paggunita ng Ramadan.
Ang ganitong uri ng karahasan ayon sa 6TH ID ay walang puwang sa isang lipunang nagsusumikap na magkaroon ng pagkakaunawaan at kapayapaan.
Hinihikayat ng 6TH ID ang publiko na manatiling kalmado at maging mapagmatyag.
Comments