42-Anyos na Lalaki na May Tama ng Bala sa Katawan at May Dalang Baril, Inaresto ng Datu Odin Sinsuat PNP
- Teddy Borja
- Jan 8
- 1 min read
iMINDSPH

Inaresto ng otoridad ang isang lalaki dahil sa pagdadala nito ng hindi lisensiyadong baril.

Sinabi ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police, may tama ng baril sa katawan ang lalaki na kinilalang si Saiden Maulana Buisan, 42 years old na residente ng Poblacion Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Inaresto ito sa Sitio Pangi, Barangay Taviran, alas 2:30 ng hapon, a-5 ng Enero.
Nagtago umano ang suspek sa isang barong-barong matapos itong kumaripas ng takbo mula sa isang bahay na una nitong pinagtaguan.
Nang masukol, nakuha ng otoridad ang isang belt bag na naglalaman ng magazine assembly mula sa 45 caliber na mayroong 7 bala at isang homemade 12 gauge shot gun.
Bigong makapagpresenta ng dokumento ang naarestong indibidwal hinggil sa baril nito.
Agad dinala ang suspek sa Datu Odin Sinsuat MPS para sa proper disposition.
Comments