42 indibidwal at 1 group mula sa BARMM at Region 12, tumanggap ng financial assistance mula sa tanggapan ng OVP sa ilalim ng programang “Mag Negosyo Ta ‘Day!”
- Diane Hora
- 16 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Siya si Yancy Yu Temple, mula sa Libungan, Cotabato, isa si Yancy sa apatnaput’ dalawang benepisyaryo ng programang “Mag Negosyo Ta ‘Day” ng Office of the Vice President at tumanggap ng 15 thousand pesos na dagdag puhunan para sa kanyang munting negosyo.
Araw ng Miyerkules, July 9 nang ipinagkaloob ang tulong pinansiyal ng OVP BARMM.
Kasama rin sa mga benepisyaryo ang grupo ng mga mangingisda na binubuo ng walumpung miyembro kabilang na ang MILF members na tumanggap ng 150 thousand pesos.
Simula Enero ngayong taon, animnapu’t dalawang small at medium business owners na ang tumanggap ng financial assistance mula sa tanggapan ng Bise Presidente.
Kabilang sa mga ito ay may sari-sari store, flower vendor, karenderya at food stall.
Ang Mag Negosyo Ta ‘Day program ay programa ng Office of the Vice President para tulungan ang mga ito na mapalago ang kanilang negosyo.
Comentários