top of page

43 Anyos na Suspek sa Isang Shooting Incident sa Macabual, Tugunan SGA, Patay Matapos Umano Manlaban sa Otoridad

  • Teddy Borja
  • Jan 6
  • 1 min read

iMINDSPH


Base sa ibinahaging impormasyon ng pulisya sa krimen.



Papatakas na umano ang suspek matapos barilin ang 29-anyos na biktima na si Hasanodin Solang Akas. Nagtamo si Akas ang tama ng bala sa hita.


Ayon sa otoridad, binaril din umano ng suspek ang 47-anyos na si Delna Guiamal Akas pero hindi ito tinamaan.


Naispatan ito ng otoridad sa daan matapos ang pamamaril nito.


Pinaputukan umano nito ang rumispondeng mga pulis kaya gumanti ng putok ang responding team.


Dinala pa sa pagamutan ang suspek pero ayon sa otoridad, dineklara itong dead on arrival sa ospital ng kanyang attending physician.


Narekober ng otoridad sa crime scene ang isang caliber .45 pistol at mga bala.

 
 
 

תגובות

דירוג של 0 מתוך 5 כוכבים
אין עדיין דירוגים

הוספת דירוג

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page